Da Raker Band BAND!!!
Hindi man halata sa piktyur ko sa gilid (napakaganda ko di ba?) ako po ay isang gitarista, bahista, at masahista (joke lang wala ako maisip na rhyme). Pero di ko masasabing magaling ako dahil pag ako na ang naggitara nalilito na yung dramer namin. Pano kung sa bass? Ay nako ok lang syempre! Hindi kasi ako naririnig kaya ok lang! palitan na natin ng vokalista yung masahisata, oo vocalist… pwede din dahil magaling daw ako kumanta. Pero… nde ko din masabi na bagay yung boses ko sa mala-Paramore na kanta pero paminsan minsan naabot ko naman yung boses ni idol Hayley Williams pag nasa banyo.
Hindi ko sasabihin na magaling ako kumanta nilulubos ko lang ang six months kong voice lesson.
-------------------------------------------------------------------------
Patalstas: nahulog ng Cp ko sa bowl therefore… ayaw nya mabuksan tang tanga ko syeeet.
-------------------------------------------------------------------------
Balik tayo sa voice lesson… oo six months na nagkakahalaga ng 2,000 pesos. Pero satingin ko mas makakatipid kami kung bumili nalang kami ng videoke bakit? Masaya yun, pwede sa fiesta, sa bertdayhan, sa iba pang events, at mas matagal ako makakapag voice lesson kakantahin ko at pagprapraktisan ang mga kanta dun o di ba masaya!
Pero feeling ko sinasayang ko yung mga pinag-aralan ko dun. Kasi nde naman ako tinuruan dun gawing “husky” boses ko kaya parang may sipon akong madudual pag kumakanta ako. At bakit ko yun ginagawa? Ewan ko ba dahil sa sobrang tinis o taas ng boses ko hindi ko makanda yung mga punk/rock/metal songs na gusto kong kantahin… nakakalungkot.
Alam nyo kung ano pa ang nakakalungkot? Napansin ko lang recently na tone deaf ko… I don’t know why pero… yun ang napansin ko. Hay.., pasensya nga pala kung ang tamlay ko na bad trip kasi ako dahil nga nahulog yung CP ko sa bowl namin. Nakakadismaya.
Musika… Define music… “Without music is like a rainbow without color”. Yan ang popular na sagot sa music class ko nung hayskul. Na galit sakin yung kaklase ko dahil dyan. Bakit? Nag tanong kasi siya sakin kung ano irerecite eh one by one dapat sasabihin ko “Without music is a life without color” eh naunahan ako 2 tao nalang siya na magrerecite edi yan ang sinabi ko. Nakakapressure kaya.
Ispeking (oo ang basa dyan es-pe-king) of Music nde ko alam yung mga genre ng mgapinapakinggan kong mga kanta pero nung 2nd year high school ako ang ewan ko ba kung bakit mga jologs na kanta yung mga pinakikinggan ko. Kaawa na ako wala akong alam sa mga pinaggagagawa ko.
-------------------------------------------------------------------------
Feeling ko talaga ang boring ngayon nitong tinataype ko. Pasensya na talaga kakgising ko lang kaninang 6:00 Pm so parang my after shock pa nung nahulog yung cellphone ko sa bowl. Ang tanga naman kasi ng cellphone ko ewan ko ba kung bakit siya nagpalagay sa bulsa ko eh. Pero medyo naayos na naman siya.
-------------------------------------------------------------------------
Patalastas: sa kasalukuyan (11:51 pm) eh malakas ang ulan. Sobra… at nakikinig ako ng radio kay Papa Dan. Makinig din kayo wanted sweetheart 9:00 p.m o di ba indorser. Nde pramis masaya nga. Isa pa as of 12:00 binati ako sa radio ang saya di ba?
12:03 -tulog na ako byee August 03, 2011 sorry ngayun lang BISI MI.
-------------------------------------------------------------Lab, Bebang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento