Kulot… yan ang lagging tawag sa akin noong bata pa ako. Ng magulang, kapamilya, kapuso, kapatid (ay… wala nga pala akong kapatid), kaibigan at paminsan minsan mga kaklase ko. Pero bakit nga ba akong tinawag na kulot? Hindi naman ako laging na ka kulot noo. Dahil ang totoong dahilan ay kulot ang buhok ko. Oo isa akong posero dahil istrayt ang buhok ko ngayon.
Pero kung mapapansin natin ang mga pinoy ay mahilig sa bansag; kulot(katulad ko), tunge (isa pang bansag sakin dahil sira-sira yung ngipin ko nung bata pa ako), nognog(kung ikaw ay maitim), baho (kung mabaho ang mga ss: kilikili, hininga, o ano mang parte ng katawan), ilong (kung malaki ilong mo) at marami pang iba na nauuwi lang sa asaran.
May pagkaktaon ding inasar ako dahil sa kakulutan ng buhok ko. Isang lapastangan na grade 6 student sa school namin ang sumigaw ng “KULOT SALOT KA!!” habang nakatingin siya sakin. ako naman umiyak kahit na di ko alam ang ibig sabihin ng salot noon dahil grade 4 palang ako at mahina ako sa tagalog noon. Pero tuwing babalikan ko yung araw na iyon at ang itsura nung lalaking yun kamukha pala siya ni Richie the Horsie.
Kung may mga bansag sayo noong bata ka pa, ay di rin mawawala yung mga “code name” nga mga chismoso at chismosa. Lahat na ma maiisip mong pangalan ng isang cartoon character, artistang panget at kung sino man ay pwedeng gamitin dito. Parang yung kapit bahay naming na nakaaway ng nanay ko ang tag niya dito ay “seksi”. Bakit? Dahil ba may mala-bote itong katawan? Malaking no! Dahil ba malaki ang hinaharap nito? Mejo dahil sa katabaan. O dahil ba sa mala-dyosa nitong itsura? Lalong hindi, nakagugulantang kung papatulan siya ni Sylvester Stallone dahil mas muka pa itong matanda dito. Ang tunay na dahilan? Tinatawag siyang seksi dahil pinagmumukha niyang bagets ang kanyang sarili. Yung itsura lumalabas sa patay sindi (uy.. alam).
Nandyan din ang malikhang paggawa ng pangalan ng mga estudyante. Kapag ayaw sa titser o prof. eh babansagan nila ito ng kung ano-ano. Oopss syempre di makakaligtas ang iba pang prof. kahit gusto nila ito.
Noong hayskul ako ay mahilig kami sa ganyan, sa guro, sa kapwa estudyante at kahit pa ata sa mga lugar na tinatambayan. Pero ang pinakapaborito ko ay yung sa dyometri titser ko nung hayskul (sa nakakakilala nako bulgaran na ito.) ang tawag ko sakanya ay Cadbury. Ang alam ko ako nag pauso nyan, dahilan? (lagi nalang ba meron nito?) wala lang for fun hehe.
Isang araw ay nanonood ako ng T.V., nang biglang ipinakita yung commercial nang Cadbury chocolate. Setting: isang pamilya; may nanay, tatay, ate at kuya, na nawala sa loob ng maze. Tapos pinatugtog ang kanta ng TV ad at kinain nila ang wall ng maze para maka labas. At ang rason kung bakit Cadbury? Kasi yung nanay doon ay kamukha ng titser namin sa dyometri.
Pero di pa dyan natatapos ang mga bansag. Kahit sa pogkain ay may mga nicknames tayo tulad ng mga street foods. Sa “street foods“ pa lang ay may tawag tayo “turo-turo” minsan nga’y kumain kami sa isang karinderia na ang pangalan ay point point point, bakit ko to nabanggit? Wala lang bigla ko lang naisip.
Balik tayo sa turo-turo. Kapag nasa bilihan ka ng barbikyu (barbeque) wag ka na magulat sa betamax (dugo na pa kwadrado), adidas (paa ng manok) at marami pang iba na hindi ko mabanggit dahil di ko na alam (at baka mag mukha nang libro ni Bob Ong (HI IDOL!) tong Dayari ko.)
--------------------------------------------------------
Speaking of Diary anong meron sa diary nyo? Sakin? wala, isang malaking trash notebook ang dating ng Diary ko. Maraming drawing, may picture ni “special someone”, may nakadikit na resibo, at mga hinanakit na ngyari sa buhay ko yan ang nilalaman niya sa ngayon (Wednesday, July 27, 2011). Nung una Masaya dahil ang cute at ang kewl pero ng lumilipas na ang mga araw… tinatamad na ako. Nandoon din yung takot ko na baka may magbasa noon. Lalo na kung nanay ko ang magbabasa kung ano-ano nanamang sermon ang aabutin ko.
Pero para saan ba ang diary? Para ba ito sa memories? O isa itong cure sa mga dipress na tao? Ano ba talaga? Pero dahil tinatamad akong mag research online kayo na bahala doon.
Isa pang problema ng isang estudyanteng katulad ko… ay ang katamaran. Likas na yan sa tao/estudyante lalo na pag katatapos lang ng exams at umuulan (katulad ngayon oo july 27 pa rin). Ngayon tinatamad akong maligo kaya as of 3:22 pm hindi pa rin ako naliligo. Kadiri no? pero may oras pa naman para mamaya. Nagkataon pang “I hate cold, wet things” parang si Bella (uy! Tuma-Twilight!)
Pero may isa akong kaklase na alam kong babasahin to dahil ipababasa ko sa kanila to. Isa siya sa mga kaberks ko, actually siya lang ang lalaki sa tropa. Mabait, matalino at talentado pero… tamad siya. Madalas naming siyang biruin dahil sa katamaran niya. Minsan sinasabi naming “Uy, minsan naman tamarin kang huminga.” pero biro lang iyon.
Minsan pa daw itong napansin ng professor nila sa CWTS. Tinignan daw ng nasabing prof. ang papel ng aking kaibigan at sinabing “ang mayari ng papel na ito tamad.” Paano niya na sabi? Dahil may essay sa exam na iyon sinulat ng kaibigan ko “3r” (reduce, reuse and recycle). Umapila ang isa pa naming kaibigan na “eh, sir pwede na iyun. 3r naman talaga yung eh.” Pero hindi parin pumayag ang prof. sa halip ay sinabi nitong “paano kung 3r picture to?” hmm… may point siya kaya di na sumagot ang isa ko pang kaibigan.
Pero di pa diyan natatapos ang nakapansin sa katamaran ng aking kaibigan. Napansin daw ito ng Human Relation professor nila ngayon dahil daw di ito nag re-recite masyado. Pero noong araw daw na wala talagang sumasagot/nagre-recite sa kanya ay eto ang kanyang sinabe “oh bat ayaw ninyong sumagot? Nahawa na ba kayo kay (insert your name here)?” oh di ba? Matalino naman siya eh mas matalino pa sakin pero tamad lang talaga.
---PS. 4:06 na nakaligo na ako! YESSSS!!
--------------------------------------------------------
Internet, lahat naman siguro sa babasa nito ay marunong nang gumamit ng internet. Pero paano nga ba nag kakroon ng internet? Pagnagpakabit ban g DSL sa PLTD? Pagbumili ka ng Broadband sa SMART, GLOBE o SUN? paano nga ba talaga nagkakaroon nang INTERNET?
Sabi sa libro ni Bob Ong (HI ULIT!)
Pagkinabit mo ang isang network sa isa pang network, grupo ng networks sa iba pang grupo ng networks, at sapot ng network sa isang bansa sa iba pang sapot ng networks sa marami pang bansa – pagbuhol-buhol na ang networks mo at ganito na kagulo ang structure— meron ka nang internet.
Oh di ba ang daming sapot? Pero di yan ang dahilan kung bakit ko binuksan ang topic na yan. Kasi kaya ko nabanggit ang internet ay dahil sa napaka galing kong DSL. Lagi na lang siya nawawalang nang connetion. Di tuloy ako makapagFB! Nakakalungkot di ba?
Pero ngayon seryosohan na. Internet… dyan ka na kakakuha ng sagot sa assignment, pictures ng artista, nakapaglalaro ka sa y8 o friv dahil dyan at dyan ka rin nakakapanood ng mga bidyos na pambata, pamatanda at kahit yung mga censored sa internet ka rin makakapanood nyan. (pero sa tingin ko tong paragraph na ito ay mali kahit na… intindihin nyo nalang)
Dyan din kayo (tayo o ako o ikaw o sila) natutong mag blog, mag pesbuk, mag youtube, pag tweet, mag oink at mag chirp. At kahit walang kwenta na yung ilalagay mo sa what’s on your mind sa pesbuk I tataype mo parin. Katulad ngayon I tatap mo yung link nitong site na ito at I she-share mo sa iba… di ba nga?
--------------------------------------------------------
Natapos din itong July 27, 2011. Hay… you have wasted 15 mins of your life ditto sa walng kwentang blog na ito. Pero sana i-share, i-blog, i-bullitin, i-tweet at i-oink mo din to sa ibang site para masaya, kahit I plurk mo pa to.
--------------------------------------------------------Lab, Bebang.