Huwebes, Hulyo 28, 2011

Dear Diary, July 28, 2011

 Tindahan Ni Aleng Bebang

        “Ano po yuuunn?” yan ang lagi kong tinatanong pag may bumibili sa tindahan namin.
       
        Ano nga ba ang tindahan? Tindahan in English store say it with me “stoooorreeee” very good! There are many kinds of store here in the Philippines. There are malls, inside those malls are boutiques, department stores, shoe stores, toy stores, book stores, and many more. But the most famous store in the Philippines is the “sari-sari store”. (Nakss umi-english si kulot!)

        Sari-sari store base… base on my ex… base on my story… (shet naubusan na ako ng English.) Base sa alam ko, sa experience at sa mga nakikita ko ang sari-sari store ay puno ng mga produkto nag iba’t-ibang manufacturing company. So pwede nating tawagin ang isang sari-sari store na isang maliit na merchandising company (pero joke lang yung company hehe).

        At anu-ano ang makikita sa isang sari-sari store? Kendi, bubble gum, sardinas, itlog, tuna at kung ano-ano pa parang SM yang sari-sari store kahit ano pwede mo ibenta kahit anong maisip mo ibenta mo na ok lang. tapos ilagay mo sa labas ng tindahan nyo “We’ve got it all for you!” kung gusto mo kumanta at sumayaw ka pa parang yung sa Save More pumapalakpak.

        Mahirap bang makakita ng sari-sari store? Hinde no. sa kanto, sa village, sa subdivision, sa divisoria, sa tabi ng station ng LRT, at kahit sa gitna ng kalsada meron nyan dito sa Pilipinas (hehe what’s new basta lang kumita mautak ang pinoy dyan).

        Pero balik tayo sa Tindahan ni Aleng Bebang (uy bimili kayo samin ha! Eto address: Philippines). Ang tindahan namin ay isang malaking department store pero joke lang yun. Ang totoo nyan ito’y isang sari-sari store. Pero mukha siyang lakai kasi dating bakery yun noong baby pa ako.

        Oo dati siyang bakery. Sinara na dahil madaling maumay ang mga kapit bahay namin sa tinapay. Pag nag benta kami ng buns ng isang lingo maghahanap sila ng sliced bread, tapos after a week ulit yung may palaman naman o di kaya’y yung may flavor. Oh di ba? Parang buntis na naglilihi sa di mo malaman na kung ano.

        Pero kahit ganyan sila may mga pagkain na di silang hindi nila pwedeng itakwil. At ito ay ang sardinas, itlog, at noodles (hmm take note karamihan ng nakatira sa amin ay mayayaman at di kami kasali doon). Yan ang nasa top 3 list n gaming pinamimili tuwing mamimili ng mga paninda ang aking tatay. Top 4 bigas at ang top 5 biskwit.

But wait there’s more!...

        Kung hindi pagkain ang gagawan natin nang list eh magugulat kayo sa list na madalas bilhin sa aming tindahan. At eto yun:

Top 3: Alak
        Suprising ba na top 3 lang yan? Wala naman kasing masyadong bumibili ng alak samin na umaga, hapon at gabi na araw-araw. Kaya top 3 lang yan.
       
        Yan din ang dahilan kung bakit ayaw kong magtinda pag gabi…

Lasing: favilii nga pho…
Ako: MAAAA!!!!!!

        O di ba napakabait nagbantay pa ng tindahan tatawagin din pala ang nanay.

Top 2: Sardinas, Itlog at Noodles
        Ewan ko ba kung bakit pero mas nauuna pang maubos ang itlog kaysa sa isang kabang bigas na binebenta namin. Yung iba bibili 10 piraso ulam ata sa magdamag. Sardinas uy.., wag ka sosyal ang mga aso dito samin kung di sardinas ang ulam eh ipagluluto pa silang nang kanilang master. Noodles? Sa umaga, tanghali, hapon at gabi yan ang madalas binibili parang yung itlog. Pero wala naman akong masamang itensyon dito. Di ako nagyayabang, nagpapasikat o kung ano pa man, sinasabi ko lang yung mga napupuna ko. Oopss wala akong pinatatamaan.

Top 1: yosi
        Yan! Payborit ng teenager, matanda, gurang at ng may ngipin o wala. Nandyan na yung mga senaryong:

Bata: Nay bili mo ko neto *turo sa kendi pero di naman alam kung ano yun*
Nanay: heh hindi na wala tayong pera. Ate pabili nga po  ng yosi.

        O yan tamaan ang mga magulang na ganyan. Sa bisyo meron sa anak wala. Para ngang nawala yung mga katagang “isususbo nalang nang nanay ibibigay pa sa anak” (di ko alam kung tama yan pero you get the idea). Ayoko sa ganyang mga magulang, as much as possible nang iirap ako pero sa kasamaang palad… hindi ako marunong.

        Isa pang problema sa ating society ay ang pagtaas ng perosyo ng gas, pamasahe sa jeep, bigas, itlog, sardinas, tuna at marami pang iba. Pero may nakapansin bang WALANG NAGREREKLAMO PAG NAGTAAS ANG YOSI AT ALAK?

        Wala lang naisip ko lang… pag bisyo wala silang pakealam sa perosyo. Walang nagrereklamo, walang nagwewelga as in wala. Bakit kaya? At dahil gabi na at wala na akong matatanungan kayo nalang sumagot nyan para may thrill di ba?
--------------------------------------------------------------

Inubos ko nanaman ang 15 minuto ng buhay nyo kaya kung ako sa inyo bulisan nyo ang pagbabasa nag blog na ito. At para mas masaya… I-sahre nyo na to para may magcomment sa blog ko hehe. Alam ko maigsi itong blog ko ngayon dahil may pasok ako bukas at major ko pa.

---------------------------------------------------------Lab Bebang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento